Sinisi ng PhilHealth ang ilang ospital at maging ang Philippine Red Cross (PRC) sa delay ng fund release sa gitna na rin nang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay PhilHealth Spokesperson Rey Balena ang delay sa paglalabas ng pondo ay dahil sa kabiguan ng mga ospital at maging ng Red Cross na maglabas ng kumpletong data at masusing pag-review ng mga claims.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Red Cross Chairman at Senador Richard Gordon na nasa P822-M na halaga ng COVID-19 tests ang utang sa kanila ng PhilHealth.
Sinabi ni Balena na sa P800-M, P272-M ang mayroong deficiencies at kailangang maayos ng PRC kaya’t hindi nila mababayaran batay sa kanilang rules at maging ng Commission on Audit.
Una na ring ibinunyag ng Philippine Hospital Associations (PHA) na hindi pa nababayaran ang ilang ospital noon pang march 2020 na ayon sa PhilHealth ay naiintindihan nila base na rin sa kasalukuyang sitwasyon.