Pinamamadali na sa gobyerno ng grupong Alliance of Health Workers (AHW), ang pamamahagi ng benepisyo sa mga health workers sa bansa.
Ayon sa grupo, marami sa mga health workers ang hindi pa rin nakatatanggap ng kanilang Delayed Health Emergency Allowance na matagal na nilang hinihintay na maibigay ng pamahalaan.
Matatandaang June 2021 nang matapos ang Bayanihan 2, marami ang hindi pa nakakuha ng kanilang benepisyo hanggang sa ngayon.
Sinabi ng grupo na malaki na ang utang ng gobyerno sa mga health workers kung saan, posibleng ang kawalan ng kalihim ng Department of Health (DOH) ang dahilan kung bakit hindi pa rin ito naipamamahagi.
Sa ngayon, umaasa ang mga health workers na magiging masaya ang pagdiriwang nila ng Pasko kung maibibigay ang benepisyong nararapat para sa kanila.