Full force at bigatin ang delegasyon ng Pilipinas para sa unang round ng pagdinig sa merito ng reklamong idinulog sa Arbitral Tribunal laban sa China kaugnay sa mga inaangking teritoryo sa West Philippine Sea.
Sa ipinalabas na advisory ng Malakanyang, nagsimula kahapon ang hearing sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands at tatagal hanggang Nobyembre 30.
Pinangunahan ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang 48 kataong delegasyon para ipresenta ang kaso sa International Court.
Si Solicitor General Florin Hilbay at Principal Counsel Paul Reichler naman ang nagbibigay ng briefing sa itinatakbo ng pagdinig hanggang matapos ito sa Lunes.
Kabilang din sa mga nagtungo sa Netherlands sina Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justice Francis Jardeleza;
Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, Political Affairs Secretary Ronald Llamas, Security Cluster Executive Director Emmanuel Bautista at Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)
Photo from: gov.ph