Ginisa ng United Nations panel on Economic Rights sa Geneva ang delegasyon ng Pilipinas kaugnay sa usapin ng extrajudicial killings.
Ito ay kasabay ng isinagawang review ng un Committee on Economic Social and Cultural Rights sa implementasyon ng Pilipinas ng international covenant on economic, social, and cultural rights.
Ayon sa komite ng United Nations, nakababahala ang pangyayaring patayan sa Pilipinas kaugnay ng crackdown laban sa iligal na droga.
Binigyang diin ni Waleed Sadi, chairman ng UN committee, dapat na nakasandal sa nasabing covenant ang anumang progreso at achievements ng Pilipinas.
Samantala, iginiit ni Rosemarie Edillion, Deputy Director General ng national economic development authority, pinapahalagahan ng Pilipinas ang karapatang pantao na nakapaloob sa konstitusyon.
By: Avee Devierte