Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice (DOJ) ng kasong tax evasion ang real state developer na si Delfin Lee.
Matatandang si Lee ay nahaharap sa kasong syndicated estafa may kaugnayan sa 2008 housing project sa PAG-Ibig Fund na umaabot sa P6 na bilyong piso.
Nakasaad sa reklamo ng BIR na nilabag ng GA Concrete Mix Inc. o GACMI at corporate officers nito na sina Delfin Lee at anak nitong si Dexter, ang National Internal Revenue Code dahil sa kabiguang ilagay ang tamang impormasyon sa kanilang corporate income tax returns mula 2009 hanggang 2010.
Ayon sa BIR, umaabot sa P20.50 million pesos ang tax liability ng GACMI, kasama na rito ang surcharges at interests.
By Meann Tanbio