Malinaw na mayroong pinapanigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa pagbibigay ng prangkisa.
Ito ang dahilan ni Alliance of Concerned Transport Organization o ACTO President Efren De Luna sa pagsasampa ng reklamo kay LTFRB Chairman Martin Delgra hinggil sa umano’y paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Binigyang diin ni De Luna na may mga pinapaborang korporasyon umano si Delgra sa mga binibigyan ng prangkisa sa halip na maging bukas ang pagbibigay nito sa lahat.
“Sa tinatawag nating TNVS na lumalabas ngayon na VIP at malaki ang priority, bakit nagkaroon ng ganung klaseng priority na sinasabi naman natin na may mga unit naman katulad ng UV na 18 ang laman na pasahero, eh itong mga TNVS eh isa o dalawa lang ang sakay, eh kung kailangan talaga natin ng transport and services sa mga tao, dapat ang i-priority ay ‘yung marami ang laman.” Ani De Luna
Sinabi pa ni De Luna na mismong si LTFRB Board Member Aileen Lizada ay hindi lumagda sa naturang board resolution.
(Ratsada Balita Interview)