Sisimulan na ngayong taon ang deliberasyon hinggil sa pagpapataw ng tax sa mga junkfood sa bansa.
Ito ang inihayag ni House Committee on Ways and Means chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, na kanila nang tinitignan kung ano ang posibleng maging hamon sa bansa sakaling maipatupad na ang nasabing panukala.
Iginiit ni Salceda na saka lamang nila pag-usapan kung magkano ang maaaring ipataw na tax kapag pinal na ang desisyon sa buwis ng mga unhealthy foods.
Matatandaang una nang sinabi ni Salceda na hindi buo ang kaniyang pagsang-ayon hinggil sa pagpapataw ng tax dahil mas mainam umano na mai-regulate na lamang ito.