Nakatakda nang simulan ng mababang kapulungan sa Martes ang kanilang deliberasyon kaugnay sa draft federal charter.
Ito ang inihayag ni Committee Chairman Vicente Veloso kasunod ng gagawin nilang hakbang kung hiwalay o sabay na pagbobotohan ng dalawang kapulungan ang panukalang amiyendahan ang 1987 constitution.
Ayon kay Veloso, nagbigay na ng atas si dating pangulo ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na baguhin ang inaprubahang resolusyon bilang siyam ng Kamara na nananawagan para sa pagtitipon ng kongreso bilang con-ass o constituent assembly.
Dahil dito, babawiin ang naturang resolusyon para muling maghain ng panibagong mosyon na nagsusulong na gawing hiwalay ang botohan ng mga mambabatas hinggil sa pag-amiyenda sa saligang batas.