Ngayon araw muling isasalang sa deliberasyon ang panukalang budget ng PCOO para sa 2022, natigil kasi kagabi ang deliberasyon makaraang di nagustuhan ng mga senador ang inasal ng isang taga PCOO kung saan nakita online na umiinom ito ng alak at walang tigil sa paggalaw.
Target ng senado na tapusin ngayong araw ang deliberasyon o period of interpellation sa panukalang 2022 National Budget.
Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Senator Sonny Angara iilan na lang naman na ahensya ng gobyerno ang kailangan nilang isalang sa delibersyon tulad ng sa DSWD , DTI at PCOO.
Samantala, karamihan anya ng mga senador ay nagsumite ng kani-kanilang panukalang amendment sa budget.
Sisikapin anya nila na maisama ang mga individual amendments ng mga senador bago isalang sa 2nd at 3rd reading ang 2022 Budget.
Samantala, kumporme si Senator Angara sa suhestyun ni Senate President Tito Sotto na tanging mga kontrobersyal na panukalang amendment sa budget ang talakayin sa plenaryo para maiwasan na mahabang oras na naman ang kanilang gugulin sa period of amendments.
Ayon kay Angara, maganda ang suhestyun ni Senate President Sotto ito ay dahil base sa karanasan, napakarami ng individual amendments ng mga senador kung saan baka kulangi sila sa panahon kung lahat ay tatalakayin sa plenaryo. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)