Magpapatuloy ang deliberasyon ng Kongreso sa Bangsamoro Basic Law o BBL sa pagbabalik ng sesyon bukas, Nobyembre 3.
Ayon kay House Deputy Majority Leader at Quezon City Rep. Jorge Banal, gagawing prioridad ang pambansang budget sa 2016 bago ang ikasa ang debate at pagtalakay sa iba pang mga usapin.
Una nang itinakda ng kamara ang December 16 deadline para sa naturang panukalang batas.
Matatandaang tila naging usad-pagong ang BBL sa Kongreso matapos maganap ang madugong Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 na miyembro ng PNP-Special Action Force noong Enero.
By Jelbert Perdez