Bibilisan ng Senado ang deliberasyon sa panukalang pagkalooban ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Senator Grace Poe, Chair ng Senate Committee on Public Services, ito’y dahil target nilang maipasa ito bago ang Christmas rush.
Isinusulong ang nasabing panukala upang matugunan ng pamahalaan ang lumalalang problema sa trapiko.
Sinasabing natanggap na ni Poe ang dokumento na naglalaman ng 21 proyektong nais ipatupad ng Department of Transportation o DOTR sakaling mapagkalooban ng emergency powers si Pangulong Duterte.
Ngunit, giit ni Poe, dapat lamang na matiyak na hindi maaabuso ang dagdag na kapangyarihang ibibigay ng Kongreso ang Punong Ehekutibo.
By Jelbert Perdez