Sisimulan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang deliberasyon sa panukalang federal constitution.
Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Chairman Representative Roger Mercado,target na maisalang sa pagdinig at mapag-aralan ang naturang panukalang batas sa Miyerkoles.
Matatandaang umarangkada na rin ang pagdinig ng Senado sa panukalang charter change nitong nakalipas na linggo.
Una nang isinusulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagpapaliban ng eleksyon upang bigyang daan ang deliberasyon ng pagbabago sa konstitusyon na posibleng abutin ng anim na buwan o higit pa.
—-