Sinimulan na ng kamara ang deliberasyon nito sa panukalang 2022 national budget.
Pinagtuunan ng pansin ng House Committee on appropriations sa unang araw ng budget deliberation ang pondo sa susunod na taon ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na binubuo ng DBM, DOF, NEDA at BSP.
Lunes nang isumite ng DBM sa kamara ang 2022 national expenditure program kung saan nakapaloob ang P5.024 trillion budget para sa susunod na taon.