Sinimulan na ng House Committee on Health ang deliberasyon sa panukalang paggamit ng marijuana bilang alternative medicine.
Isinagawa ang deliberasyon isang araw matapos makalusot sa ikatlo at huling pagbasa ang death penalty bill.
Ayon kay Quezon Representative Angelina Tan, Chairman ng komite, bumuo na sila ng technical panel para makabalangkas ng final version ng medical marijuana bill na ini-akda ni Isabela Representative Rodolfo Albano.
Matatandaang sa ilalim ng death penalty bill, ang sinumang indibidwal na may kasong illegal possession ng illegal drugs, kabilang ang marijuana ay papatawan lamang ng life imprisonment.
By: Meann Tanbio