Sisimulan na sa Miyerkules ng senado ang deliberasyon sa plenaryo ng P4.5-T general appropriations bill.
Ayon ito kay Senate Finance Commitee Chair Juan Edgardo Angara na nagsabi ring isinasapinal na ang committee report hinggil sa panukalang 2021 National Budget.
Inamin ni Angara na kakain ng mahaba habang oras ang buong proseso sa pagtalakay nila sa budget dahil karamihan sa mga senador ay nais magkasa ng kani-kaniyang amiyenda.
Hindi aniya niya masabi kung kailan maaaprubahan ang budget dahil tinututukan din nila ang mga amendments ng kamara lalo na yung mga dinagdag nito na naka-focus sa kalusugan tulad ng COVID-19 at health facilities.