Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na malaya pa ring makakadaan sa mga checkpoint ang mga nagde-deliver ng mga pagkain at produktong agrikultural.
Ito’y kasunod ng pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine restrictions sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, hindi haharangan sa mga checkpoint ang mga essential workers at goods kaya’t asahan na walang magiging aberya sa mga deliveries.
Nagpahayag kasi ng pangamba ang grupong tugon kabuhayan dahil sa posibleng pahirapan muli sa pagde deliver sa mga agricultural products gaya ng nangyari noong unang lockdown.