Patuloy na naaantala ang delivery ng NFA rice sa mga pamilihan.
Paliwanag ni NFA Spokesman Rex Estoperez, hindi maibaba sa mga barko ang mga inangkat na bigas dahil sa sunud-sunod na bagyo at pag-ulang nararanasan sa bansa.
Dahil dito, umaasa si Estoperez na gumanda na ang lagay ng panahon para madagdagan na ang supply ng NFA sa merkado.
Samantala, ipinabatid ni Estoperez na ang panibagong batch ng mga inangkat na bigas na nasa dalawandaan at limampung libo (250,000) metriko tonelada ay inaasahang darating sa Agosto.
North Cotabato
Samantala, paubos na ang supply ng NFA rice sa North Cotabato.
Ayon kay NFA North Cotabato Provincial Manager Teresa Herrera, tatagal na lamang ng anim na araw ang natitirang supply ng NFA rice sa kanilang warehouse.
Aniya, inaantabayanan na nila ang tatlumpung libong (30,000) sako ng NFA rice para mapunan ang rice allocation ng probinsya.
Umaasa si Herrera na agad silang mabibigyan ng bagong supply ng bigas dahil patuloy sa pag taas ang demand ng NFA rice.—Rianne Briones
—-