Higit sa 45 minuto ang hinintay ng customer na si Aman Birendra Jaiswal mula sa Uttar Pradesh, India para sa kanyang in-order na pagkain sa isang delivery app.
Nang magtungo sa parking area, laking gulat niya nang makitang kinakain na pala ng delivery rider ang pagkain niya!
Nang kumprontahin ang rider, mas nagulat siya sa naging asal nito.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Aman na bago ang insidente, nanghingi muna ang delivery rider ng karagdagang 10 rupees o P7 upang ihatid sa kanya ang pagkain.
Sa una ay tinanggihan niya ito, ngunit sa kalaunan, pumayag din siyang ibigay ang karagdagang delivery fee.
Gayunman, matagal pa rin siyang pinaghintay ng delivery rider.
At nang mahuling kinakain ng rider ang kanyang order, pabalang pa siyang sinagot nito at sinabing, “Do what you will.”
Ibinahagi ni Aman ang pangyayari sa social media at karamihan sa mga netizen, nagkomentong ganoon din ang kanilang karanasan sa kaparehong delivery app.
Sa kasalukuyan, wala pang aksyon ang kumpanyang humahawak sa naturang app sa reklamo ni Aman.