Isang delivery rider sa Camarines Norte ang arestado makaraang magpanggap na na-holdap ang koleksyong pera.
Nagtungo sa Paracale Municipal Police ang suspek na si alyas Erick, 29 anyos, residente ng Barangay Dos, bayan ng Mercedes.
Ito’y upang magreklamo na naholdap siya at nakuha ang koleksiyon niyang pera.
Sumbong ni Erick sa pulisya, dalawang lalaki umano ang humarang sa kanya at kinuha ang koleksiyon sa pagde-deliver na umaabot sa mahigit 12,000 pesos.
Gayunman, nagduda ang mga pulis sa kanyang kuwento kaya kinalaunan ay umamin din ang rider na naisugal niya sa online sabong ang pera at natalo.
Dahil dito, inaresto siya ng mga otoridad at mahaharap sa kaukulang reklamo.