Nais ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency na ipagbawal na ang paggamit sa TNVS o Transport Network Vehicle Service bilang delivery service.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, isa ito sa bubuksan nilang posibilidad sa pulong nila ng Uber, Grab at ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Sinabi ni Aquino na marami na silang nasabat na TNVS na nagagamit sa paged-deliver ng party drugs tulad ng ecstasy at meron ding shabu.
Pinayuhan ni Aquino ng ibayong pag-iingat ang mga drivers ng TNVS dahil sigurado aniyang sila ang mananagot kapag nahuli sa kanila ang illegal drugs kahit pa wala silang kinalaman dito.
“Especially kung mahulihan ka ng malaki-laking quantity eh talagang non-bailable ang offense mo, yan ang magiging problema ng mga driver, hopefully within the day ay magka-usap kami ng mga operator na ito at mabigyan namin ng solusyon, sana mahinto na rin yung pagde-deliver sa Uber at Grab kasi wala tayong security system para ma-check ang laman ng mga package.” Pahayag ni Aquino
(Ratsada Balita Interview)