Dinagsa ng ilang mga Senior Citizen o iyong mga nakatatanda ang Delpan Sports Complex sa lungsod ng Maynila.
Ito’y para sa programa ng pamahalaang lungsod hinggil sa pamamahagi ng limang daang pisong buwanang allowance para sa mga senior.
Pahirapan para sa mga barangay tanod at mga tauhan ng city hall ang pagpapanatili ng physical distancing dahil bumuhos ang malakas na ulan.
Iisa lang kasi ang daan papasok at palabas ng delpan sports complex kaya’t nagsiksikan ang mga lolo at lola sa pagkuha ng kanilang buwanang pensyon.