Pinababantayan ng isang eksperto ang delta subvariant na natukoy sa United Kingdom at 27 pang ibang bansa.
Sinabi ni dating National Task Force against COVID-19 Adviser Dr. Tony Leachon, hindi dapat ipagsawalang bahala ang bagong mutation na ito ng delta variant.
Hinimok ni Leachon ang pamahaalan na huwag magdalawang isip na isara ang mga border mula sa mga bansang may banta ng delta subvariant.
Samantala sinabi ni Dr. Michael Tee ng University of Philippines College of Medicine na natural para sa mga virus ang mag-mutate.