Nagbabala ang OCTA research group sa posibleng muling ‘surge’ o paglobo ng delta variant kung hindi pa magtuturok ang pamahalaan ng booster shots.
Ayon kay OCTA fellow Fr. Nicanor Austriaco, dapat na naghahanda na rin ang pamahalaan sa pagtuturok ng booster shots.
Maaari aniyang maranasan ang surge sa una o ikalawang kwarter ng 2022.
Sa ngayon aniya ay mababa pa ang tsansa na magkaroon muli ng surge ng naturang variant dahil huli na ang bansa sa ginawang pagbabakuna.—mula sa panulat ni Hya Ludivico