Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na kalat na sa buong bansa ang Delta variant ng COVID-19.
Ito’y makaraang makapagtala ang DOH ng halos 280 kaso ng Delta variant sa bansa kabilang na ang lima sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay DOH Spoksman Dr. Ma. Rosario Vergiere, mula sa 367 samples na isinailalim sa genome sequencing ay 279 dito ang natukoy na Delta variant.
Mula sa nasabing bilang, nasa 245 rito ang local cases habang 21 naman ang mga returning Overseas Filipino Workers (OFW).