97% mas nakahahawa kaysa sa ibang strain ng COVID-19 ang Delta Variant.
Ito ang ibinabala ni Dr. Rontgene Solante, hepe ng Adult Infectious Diseases Unit ng San Lazaro Hospital sa Maynila.
Ayon kay Solante, tinatayang 1,260 times ang viral load o mas maraming virus ang kayang i-produce ng Delta kumpara sa ibang COVID-19 strains.
Naitala anya ang ganitong insidente sa Australia kung saan isang naglalakad na tao ang dumaan lamang sa tapat ng delta infected person at agad nahawa sa loob lamang ng lima hanggang sampung segundo.
Gayunman, tiniyak ni Solante na nananatiling epektibo ang lahat ng bukanang may emergency use authorization sa Pilipinas laban sa anumang uri ng COVID-19. —sa panulat ni Drew Nacino