Asahan umanong magiging dominant strain ang Delta variant sa mga susunod na buwan.
Ito ang inihayag ng World Health Organization sa gitna ng banta ng mas nakakahawang variant ng COVID-19.
Ayon sa WHO, unang na-detect ang Delta sa India at ngayon ay nadiskubre na rin sa mahigit 100 na teritoryo.
Dahil sa mabilis anilang pagkalat nito, agad nitong matatabunan ang ibang strain at siyang mangingibabaw na variant.