17 pang kaso ng mas nakahahawang COVID-19 Delta variant ang na-detect ng Department of Health.
Mula sa naturang bilang, 12 sa mga ito ang local cases, isa ang balik-bayan habang bineberipika pa kung returning overseas filipino o local ang apat na iba pang kaso.
Siyam sa mga local cases ay matatagpuan sa Metro Manila habang tatlo sa CALABARZON.
Dahil dito, umabot na sa 64 ang kaso ng Delta variant sa bansa, kabilang ang tatlong aktibo.
Muling ipinanawagan ng kagawaran sa mga Local Government Unit na paigtingin pa ang kanilang kampanya kontra COVID-19 upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant. —ulat mula kay Drew Nacino