Delta variant na ang dahilan ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 ngayon sa bansa.
Ito’y ayon kay Dr. Ted Herbosa, NTF COVID-19 adviser, batay na rin aniya sa resulta ng genome sequencing nitong nakaraang linggo kung saan lumabas na 62% ng samples ay natukoy na delta variant.
Ani Herbosa, ito ang dahilan kaya may mga lumalabas na projections na posibleng sumipa ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa isang araw ng 20K hanggang 30K.
Gayunman, sinabi ni Herbosa na sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19, hindi naman ganu’n karami ang bilang ng namamatay at mas marami din ang nakakarekober sa sakit.
Nakikita rin umano sa sitwasyon ngayon na epektibo ang pagpapabakuna kontra COVID-19.