Mayroon nang community transmission ng delta variant ng coronavirus sa bansa.
Ito ayon kay Dr. Cynthia Saloma, executive director ng PGC o Philippine Genome Center ay dahil maraming kaso na ng delta variant ang hindi batid kung saan nagmula.
Dahil dito, naniniwala si Saloma na may kinalaman ang delta variant sa pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Una nang nakapagtala ang bansa kahapon ng all-time-high na 17, 231 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumirit pa sa 1, 807,800 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng virus sa bansa.