Mas nakababahala ang delta variant ng COVID-19 kumpara sa Lambda variant.
Ito ang inihayag ni Philippine Genome Center excutive director Dr. Cynthia Saloma kasunod ng naitalang kaso ng Lambda variant ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Saloma, mas mabilis pa ring makahawa ang delta variant ng virus, kumpara sa Lambda variant.
Kaugnay nito, pinayuhan naman ni Saloma ang publiko na sundin ang health protocols kontra COVID-19 at iwasan ang non-essential travels.
Binigyang-diin rin ng eksperto ang kahalagahan ng pagpapabakuna kontra COVID-19, kung saan sinabi nito na epektibo ang mga bakuna upang maiwasan ang pagkaka-ospital, critical cases at COVID-related deaths.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico