Mas lalo pang pinaghahanda ng isang health expert ang ating pamahalaan laban sa mas nakahahawan Delta variant ng COVID-19.
Sa talk to the nation ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Dr. Edsel Salvana, director ng Institute of Molecular Biology and Biotech ng National Institute of Health ng UP-Manila na 60% na mas nakahahawa ang naturang variant kaysa sa unang strain ng virus.
Paliwanag ni Salvana, na aabot sa walong katao ang kayang mahawaan ng isang taong positibo sa Delta variant.
Kung kaya’t binigyang diin ni Salvana ang mahigpit na pagsunod ng bawat-isa sa umiiral na health protocols kontra COVID-19.
Gayundin aniya ang pagbabakuna na ng mga indibidwal na kabilang sa anumang priority groups ng vaccination program ng pamahalaan para maiwasan ang pagkalat pa ng naturang variant sa bansa.