Nangangamba ang World Health Organization (WHO) sa muling pagyukod ng mundo sa laban kontra COVID-19 dahil sa pagsirit ng kaso ng Delta variant.
Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus nangunguna ang South Africa sa nakapagtala ng mataas na kaso ng Delta variant o nasa 80% sa loob lamang ng apat na linggo.
Nakita rin aniya sa 132 ang Delta variant na nagiging dominante na sa buong mundo.
Dahil dito sinabi ng WHO director general na patuloy ang panawagan nila sa mga bansang palakasin at ituluy-tuloy lamang ang pagbabakuna kontra COVID-19 na malaking tulong na rin sa paglaban sa Delta variant.