Naniniwala ang Infectious Disease Specialist na si Dr. Rontgene Solante na posibleng laganap na ang kaso ng delta variant sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinabi pa ni Solante na ito’y dahil na rin sa hawahan ng magkakapamilya o magkakasama sa tahanan.
Sa ginawang pagsusuri Ng Philippine Genome Center sa 748 random samples noong linggo, lumabas na 516 o 69% ay Delta variant cases kung saan 473 dito ay local cases.
Lumalabas rin na pito sa 10 bagong kaso ng Covid-19 ay Delta variant cases.
Nauna nang sinabi ng Department Of Health na nakitaan nito ng posibleng community transmission ng Delta variant ang NCR at CALABARZON.—sa panulat ni Hya Ludivico