Nananatiling walang community transmission ng Delta variant ng Coronavirus.
Ayon ito kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bagamat sumirit ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Vergeire na hindi pupuwedeng isisi sa partikular na variant ang surge o pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil tanging purposive sampling lamang ang ginagawa nila.
Una nang inihayag ng Department of Health (DOH) na nasa 750 samples lamang ng positive cases kada linggo ang kayang isalang sa Genome Sequencing dahil sa limitadong kapasidad ng Philippine Genome Center at National Institute of Health.