Tumaas ang demand ng lechon at ham sa gitna ng preparasyon para sa holiday season.
Dahil dito, tiniyak ng Department of Agriculture sa mga mamimili na sapat ang supply ng baboy sa kabila ng epekto ng paglaganap ng African Swine Fever sa bansa.
Batay sa monitoring ng D.A., naglalaro sa 330 hanggang 400 pesos ang presyo ng kada kilo ng baboy; 160 hanggang 220 pesos kada kilo sa presyo ng manok; beef rump na nasa 410 hanggang 492 pesos kada kilo;
Samantala, nagsisimula naman ng bumaba ang presyo ng mga gulay sa ilang pamilihan sa bansa matapos ang pananalasa ng mga nagdaang bagyo.