Inaasahang tataas ang domestic demand ng asukal sa mga susunod na buwan.
Ayon sa Sugar Regulatory Administration o SRA, tinatayang papalo na sa 2.15 million metric tons ang kakailanganing supply hanggang sa August 31, 2017 na mas mataas kumpara sa 2.14 metric tons noong 2015.
Paliwanag ni SRA Board Member Jesus Barrera, ang pagtaas ng demand ay bunsod ng lumolobong populasyon at dumaraming consumer mula sa lokal na pamilihan.
Dahil dito, sinabi ni Barrera na 92 porsiyento ang ilalaan nila sa local market mula sa produksiyon ng asukal para mapunan ang demand dito.
Samantala, magpupulong naman ang mga ASEAN sugar producer sa susunod na taon.
Tatalakayin sa naturang meeting ang sugar smuggling, paggalaw sa presyo ng asukal at gayundin ang mga bagong pag-aaral sa sugar cane o tubo.
By Jelbert Perdez