Inihayag ng Commission on Population and Development (POPCOM) na tumaas ang bilang ng demand ng family planning commodities sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay POPCOM Executive Director Lolito Tacardon, nabigla sila rito dahil hindi aniya inabutan ng expiration ang suplay para sa family planning tulad ng condom.
Binigyang diin niya na “good news” din ito dahil umangat sa walong milyon ang bilang ng mga kasalukuyang gumagamit ng nasabing commodities na karamihan ay para sa mga kababaihan.
Nabatid na sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang familly planning ay bahagi ng programa para sa poverty reduction sa bansa.