Bumaba ang demand sa karne ng manok kahit na mataas na bilang ang iniangkat ng manok mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.
Sinabi ni United Broilers Raisers Association chairman Gregorio San Diego Jr. na ito ang pangunahing dahilan kung bakit hirap na makabangon ang local producers mula sa pagkalugi dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng lockdown sa NCR at iba pang bahagi ng bansa.
Batay sa datos mula sa Bureau of Animal Industry, nakapag-isyu ang pamahalaan ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance o SPS-IC na sasapat para sa 401.8 milyong kilo ng manok, kung saan 83% itong mas mataas kumpara sa inisyu sa nakalipas na taon na 219.4 milyong kilo ng manok.
Dahil dito, iginiit ni San Diego na kung mababa ang demand kasabay ng pag-angkat ng mas maraming karne ng manok ay mapipilitan ang ilang negosyante na babaan ang kanilang presyo.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico