Namumurong magkaroon ng dagdag-singil sa kuryente.
Ayon sa Department of Energy, ito’y sa gitna ng inaasahang pagtaas ng kabuuang demand nito ngayong tag-init.
Dahil dito, maaaring mapilitang gamitin ang bunker at diesel plant para madagdagan ang supply sa kuryente na mas mahal ang benta na posibleng mauwi sa dagdag-singil.
Gayunman, tiniyak ni Energy Assistant Secretary Mario Marasigan na walang inaasahang brownout
Dahil sapat ang supply ng kuryente sa ngayon, ngunit posibleng magkaroon ng yellow alert o pagnipis ng power reserve kung hindi mag-o-online ang mga bagong planta ngayong tag-init. – sa panunulat ni Charles Laureta