Nasa pre-pandemic level ang kasalukuyang demand para sa mga sea-based workers.
Ito ang sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Hans Leo Cacdac kaugnay sa patuloy na krisis sa COVID-19 na nakakaapekto sa deployment ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Aniya, tanggap nila na ang pandemya ay nagpahirap sa mga Filipino migrant workers, partikular sa land-based na manggagawa dahil sa mga paghihigpit sa iba’t ibang bansa.
Ngunit sinabi ni Cacdac na pumapantay na sa pre-COVID level ang sea based-workers kaya’t nakikitang nanunumbalik na ang karaniwang demand.
Samantala, ang nasabing demand ay nagpapakita na maraming dayuhang may-ari ng barko ang mas gusto ang mga Pilipinong marino. —sa panulat ni Airiam Sancho