Tumaas ang demand para sa mga Filipino seafarer sa ibang bansa.
Ito, ayon sa Maritime Industry Authority (MARINA), ay sa kabila ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ayon kay Capt. Jeffrey Solon, Deputy Executive Director ng MARINA-standard of trainings, certification and watchkeeping office, nasa kalahating milyong Pinoy seafarer na ang kasalukuyang nakasakay.
Sa katunayan anya ay tumataas ang demand lalo sa bahagi ng ukraine kahit may digmaan.
Tiniyak naman ni Solon na tinutulungan na nila ang manning industry na mapabilis ang kanilang applications para mabigyang-tugon ang pangangailangan sa pagpapalit ng mga Ukrainian at Russian seafarer.
Ang mga interesadong Marino ay kinakailangan lamang na magsumite ng kanilang mga aplikasyon sa pamamagitan ng Marina integrated seafarers management online system.
Gayunman, binalaan ni Solon ang mga Marinong mamemeke ng kanilang sertipikasyon o dokumento ay mahaharap sa posibleng multa o suspensyon.