Bumagsak ang demand sa karneng baboy at mga pork products sa Davao City dahil sa African Swine Fever (ASF).
Ayon sa ilang tindero ng karne sa syudad, nakakabenta sila ng hanggang pitong buong baboy kada araw ngunit bumaba ito sa dalawa na lamang matapos ang ASF outbreak.
Samantala, pumalo na sa 2,780 ang baboy na isinalang sa culling simula pa noong nakaraang linggo.
Nakiusap naman ang mga hog raisers na bayaran sila ng tama para hindi naman sila malugi.
Una nang inilagat sa state of calamity ang Davao Occidental matapos na maitala dito ang kauna – unahang kaso ng ASF sa Mindanao.