Nakatakdang mag-face off ngayon sa inaantabayanang kauna-unahang debate ang mga democratic presidential candidates sa Amerika.
Naghahanda ng magharap ang mga top contenders na sila Hillary Clinton at Bernie Sanders.
Sa kasalukuyan, si Clinton pa rin ang nangunguna sa kabila ng kontrobersyang kinakaharap tungkol sa kanyang private email server.
Tatlo (3) pang mga contenders ang nais gamitin ang debate sa kanilang kampanya, ito ay Isla Former Maryland Governor Martin O’Malley, Former Virginia Sen. Jim Webb at Former Rhode Island Gov. Lincoln Chafee.
Magsisimula ang premier democratic debate 2016 na sponsored ng CNN at Facebook ngayong alas-8:30 ng gabi (eastern time) mula sa The Wynn Hotel and Casino sa Las Vegas.
By Mariboy Ysibido