Nagtaas na ng alarma ang Provincial Health Office ng Aklan kasunod nang pag akyat ng bilang ng kaso ng Dengue sa lalawigan
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon, Jr., Provincial Health Officer umaabot na sa tatlong daan anim naput limang kaso ng Dengue ang naitala nila sa lalawigan mula January hanggang May 17
Nadoble ang nasabing bilang ng kaso ng Dengue mula sa isandaan at apat naput dalawang kaso sa parehong panahon nuong isang taon
Sinabi ni Cuachon na nangangamba silang umakyat pa ang bilang ng kaso ngayong panahon na ng tag ulan kayat paiigtingin pa nila ang kanilang kampanya kontra Dengue partikular sa mga paaralan sa lalawigan
By: Judith Larino