Inaasahan ng Department of Health (DOH) ang paglobo pa ng kaso ng mga nagkakasakit ng dengue sa bansa sa Hunyo o pagsisimula ng tag-ulan.
Dahil dito muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko sa mga hakbang na dapat gawin para maikaiwas sa dengue.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, puspusan ang kanilang mga paghahanda lalo’t inaasahan nila ang paglobo sa bilang ng mga kaso ng dengue ngayong 2019.
Batay aniya sa kanilang nakikitang pattern, karaniwang tumataas ang kaso ng dengue sa ikatlong taon matapos ng dalawang taong mababang bilang.
Sa datos ng DOH Epidemiology Bureau, nakalapagtala na sila ng mahigit apatnapu’t walong libong (48,000) dengue cases kung saan isang daan at walumpu (180) sa mga ito ang nasawi ngayong unang bahagi ng 2019.
—-