Mas marami ang naitalang nagkakasakit ng dengue ngayong taon kumpara noong 2015.
Ayon sa tala ng Department of Health (DOH), pumalo sa 57,026 ang kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hunyo 25 sa buong bansa.
Mas malaki ito ng 36 percent kumpara sa 42,026 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.
Mas marami rin ang bilang ng mga nasawi sa dengue ngayong taon kumpara noong 2015.
Pinakamaraming nagkakasakit ng dengue sa CALABARZON, Central Visayas, Central Luzon, Northern Mindanao at SOCCSKSARGEN.
By Rianne Briones