Mababa ang bilang ng pinagsama-samang kaso ng Dengue sa bansa simula Enero a – 1 hanggang Mayo a – 7.
Ito ang nilinaw ng Department of Health sa kabila ng pagtaas ng Dengue cases sa ilang lugar.
Batay sa datos ng DOH-Epidemiology Bureau, 6% decrease ang naitala o bumaba sa 25,268 ang cases simula Enero hanggang Mayo ngayong taon kumpara sa 27,010 sa kaparehong panahon noong 2021.
Gayunman, nagkaroon ng tinatawag na morbidity weeks simula March 20 hanggang April 30 kung saan 11,435 Dengue cases ang naitala o 94% kumpara sa 5,901 sa kaparehong panahon noong isang taon.
Kabilang sa mga lugar na tinukoy ng DOH na may pagtaas ng Dengue cases sa nagdaang morbidity weeks ang Regions 2, 7, 8, 9, 10, 11, Bangsamoro Automous Region in Muslim Mindanao at Cordillera Administrative Region.
Pinaalalahanan naman ng kagawaran ang publiko na sundin ang “4S Behaviors’’ o Search and Destroy Breeding Places, Secure Self-Protection, Seek Early Consultation, and Support Fogging and Spraying in Hotspot Areas, upang maiwasan ang pagkalat ng Dengue, lalo ngayong Tag-ulan.