Lumobo ng halos 200% ang mga kaso ng dengue sa unang anim na buwan ng taong ito.
Ayon sa Department of Health (DOH), nasa mahigit 98,000 ang kaso ng dengue mula Enero hanggang Hunyo at mahigit 400 sa mga biktima rito ay namatay.
Ang dengue cases sa unang anim na buwan ng 2019 ay mas mataas kaysa sa halos 54,000 kaso na naitala sa parehong panahon noong 2018.
Sa Iloilo kung saan mayroong dengue outbreak, nagkakaubusan na ng kama sa mga ospital partikular sa Ramon Tabiana Memorial District Hospital dahil sa pagdagsa ng mga pasyente.
Nasa 4,303 ang naitalang kaso ng dengue sa lalawigan sa unang anim na buwan ng 2019 kung saan 20 na ang nasawi kumpara sa 400 kaso sa parehong panahon noong 2018.
Sa Cotabato naman naitala ang 3,350 dengue cases na doble sa nakalipas na bilang habang sa Caraga Region ay umakyat sa 6,100 ang kaso ng dengue mula sa dating 1,089 na kaso.
Naitala rin ang pagdami ng kaso ng dengue sa Northern Mindanao na nasa mahigit 10,000 na.
Ipinabatid naman ni Health Secretary Francisco Duque III na mayroong bagong bakuna kontra dengue na sumailalim na sa clinical trial bagamat wala pang go signal kung uubra na itong ilabas sa merkado.