Umabot na sa 300,000 ang naitalang bilang ng kaso ng dengue sa bansa mula noong Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon (2019).
Ito ay batay sa tala ng Department of Health (DOH) kung saan nasa 307,700 dengue cases na ang naitala nila base na rin sa mga admission data ng mga ospital.
Mas mataas ito ng tinatayang 140,000 dengue cases kaysa sa bilang na naitala sa kaparehong panahon noong taong 2018.
Kasunod nito ay pinayuhan ng DOH ang publiko na kumonsulta agad sa doktor kung may napapansin o nararamdaman nang mga sintomas ng dengue o di kaya ay meningococcemia.
Hinihikayat din ang publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran upang makaiwas sa bakterya o virus na maaaring pagmulan ng dengue.