Pumalo na sa mahigit 160,000 kaso ng dengue ang naitala sa buong bansa na pinakamataas sa nakalipas na limang taon.
Sa tala ng Department of Health (DOH), umabot na sa 167, 606 dengue cases ang naitala simula noong January 1 kung saan 661 dito ay nasawi.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, pumalo sa 12, 880 bagong dengue cases ang naitala sa loob lamang ng isang linggo mula July 21 hanggang 27.
Aniya, sa pagtaya ay posibleng mahigit ng bilang ng mga dengue cases ngayong taon ang 216, 190 kaso ng dengue noong nakalipas na taon.
Una nang nagdeklara ang DOH ng national dengue epidemic dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue sa bansa.